SAN FRANCISCO- Ang mga hackers, akala natin sa internet o cyberspace lang nangbibiktima, ngunit sa bagong nadiskubre pati na sa cellphone ay sinasalakay na rin, ayon sa ulat.
Ayon sa mga researcher ng Georgia Tech, sa kanilang kakayahan sa komunikasyon at ang pagkakaroon ng mabilis na internet connections, maaring mayroon na rin mga hackers sa cellphones.
Pinagtutuunan ng pansin ang Botnets, isang klase ng hacking device na kayang gumawa ng money making scams at kayang pasukin ang mga transactions sa financial websites.Isa itong perpektong platform ng mga hackers, ayon kay Patrick Traynor, assistant professor ng computer science sa Georgia Tech, at contributor ng Emerging Cyber Report.
Kaya ng Botnets na makukuha ang kahit anuman anong bagay sa loob ng cyberspace, kontrolin ang mga programa ng computer at sirain ang mga internet server.
Kung mapasok ng Botnets ang mga cellphones, magkakaroon ng mga bagong scams at makaka-epekto sa komunikasyon dahil sa pagkontrol ng mga programa ng cellphones.
Ilan sa halimbawa ng kakayahan ng Botnets, ang doblehin ang bayad sa pagtawag at automatic na pagbili ng ringtones o kahit na anumang applications sa isang kumpanya na pinapatakbo ng isang hacker, ani ni Joe Stewart, isang bot expert. #30#

No comments:
Post a Comment