Saturday, March 21, 2009

Mais gagawin kuryente

DRESDEN, Germany – Ang zea mays o mas kilala sa tawag na mais ay kadalasan ginagamit lamang pagkain, ngunit natuklasan ng mga scientist na ito pala ay maaaring gamitin sa biogas plant.

Karaniwan, mga dumi lang ang gingamitsa biogas plant bilang panggatong, upang magkagawa ng mga abono.

Ngunit, sa bagong nadiskubre ng mga scientist sa Fraunhofer Institute for Ceramic Technologies and Systems o IKTS, maaari nang patakbuhin ang mais sa biogas plant.

Paliwanag ng mga scientist, ilalagay sa isang digester ang mga mais, kasama ng mga chemicals katulad ng sulphur at hanging, pagkatapos mahiwalay ang H2S (hydrogen sulfide), ililipat ito sa isang panibagong digester upang maging abono.

Napatunayan na ang mais ay kayang maglabas ng kuryente dahil sa mga treatment nito sa biogas plant.

Mabisa ang mais bilang kapalit ng dumi, dahil mahigit 30% ang dami ng bilang ng produksiyon ng biogas, ayon kay Dr. Michael Stelter, head ng IKTS department.

Dagdag pa Dr. Stelter, tipid pa sa oras dahil ang mga dumi ay hinihintay ang 80 araw bago gagamitin, samantala ang mais ay 30 days lang.

Napaalaman rin ng mga scientist na meron electric energy ang mais, 40% hanggang 55% ang electrical efficiency nito, sa dumi naman ay lang ng 38%.

Plano rin ng mga IKTS scientist na ipagpapatuloy ang conversion ng biogas sa elektrisidad, upang magamit ng mga tao, dagdag ni Dr.Stelter. #30#

Saturday, February 21, 2009

Microrobot gagawin pagpapagaling sa mga na-stroke


MONASH UNIVERSITY, Australia – Masusing pinag-aaralan ngayon ng mga scientist ang Microrobot upang gawin pampagaling ng mga nabiktima ng stroke.

Sa pangunguna ni Professor James Friend at mga researcher ng Micro/Nanophysics Research Laboratory, nakalikha sila ng isang robot na magtatangal ng baradong dugo sa arteries ng tao dulot ng stroke.

Nagtataglay ng remote control motor ang Microrobot na ito upang makontrol ang galaw sa arteries.

Gawa sa isang miniature ang robot, 250 micrometers ang liit nito, kaya’t kaya nitong pumasok sa katawan ng isang tao.

Papasukin ng microrobot ang arteries sa pamamagitan ng isang surgery, ilalagay sa blood vessels patungo sa puso o sa utak.

Ang microrobot na may Piezoelectricity o kakayahan na maglabas ng electric energy, sabi ni Friend.

Makakatulong ang Piezoelectricity, sa pagtangal ng mga nakabarang dugo at sirang arteries sa blood stream, dahil sa voltage na ilalabas na umaabot sa 10,000 boltahe.

Unang ginamit ang Piezoelectricity sa mga quartz watch at gas stove at ito ang nagsilbing ignition kayat nagagamit ang mga bagay na ito.

Ito ang kauna-unahan micromotors na naimbento nila Friends, sa larangan ng medisina, ang ilang micromotors na ginawang electronics at aeronautics field lang.

Ang stroke ang pangunahing dahilan kung bakit napaparalisa ang mga matatanda sa buong mundo. – Journal of Micromechanics and Microengineering #30#

Saturday, January 17, 2009

Headbang ng delikado: study



NEW SOUTH WALES, Australia – Sa mga rakistag kabataan, ingat lamang sa headbang at baka mapinsala ang ulo.

Ang mga rakista ay masugid na tagakinig ng mga “hard metal rock music.” Sa kanila hindi pwedeng mawala ang “headbang” tuwing nakikinig. Tila isang ritwal na isinasabay ang galaw ng ulo pataas at pababa habang nakikinig sa malakas na tunog ng mga gitara at drum.

Ngunit, dapat baguhin ang pagkahilig ng mga rakista sa headbanging, dahil base sa isang pag-aaral, diumano delikado raw ito sa tao.

Sa pananaliksik nina Declan Patton at Professor Andrew McIntosh, ng University of New South Wales, ang headbang ay maaring magdudulot ng neck injury, stroke, mabingi, at masira ang utak ng isang tao.

Napagalaman na kapag sumubra ang headbang, nagkaroroon ng vibration sa ulo na magbibigay ng neck injury at damage sa utak.

Sinibukan ng dalawang researchers na manuod ng mga concert ng heavy metal bands katulad ng Motorhead, Ozzy Osbourne at Skid Row, tinutukan nila ang galaw ng mga rakista at headbangers sa bawat tugtog ng mga kanta.

Natuklasan nina Patton at McIntosh na noong 2005, namatay sa stroke si Terry Balsamo, guitarist ng Evanescene, dahil sa grabeng headbang habang tumutugtog.

Isa pang kaso ay kay Craig Jones ng Slipknot, nagkaroon ito ng whiplash, isang uri ng neck injury, dahil sa headbang.

Ang mga kantang katulad ng “I Wanna Be Sedated” na pinasikat ng Ramones, na may bilis na 164 beats/minute, dahil sa sobrang bilis ng headbang, nakakaranas ng panghihilo ang karamihan pagkatapos ng tugtug.

Di kasi kaya ng ulo ang sobrang paggalaw dulot ng headbang, nababanat ang leeg at naalog ang utak.

Kailangan lang nasa katamtaman ang headbang upang mapangalagaan ang ating leeg at utak, ayon kina Patton at McIntosh.

Nagsimula ang headbang noong 1968, sa concert ng Led Zeppelin ito nauso, meron itong up down style, ang ulo lang ang gumagalaw; circular swing style o paikot ang ulo; at ang full body style na pati ang katawan ay sinasabay sa headbang. – British Medical Journal #30#

Friday, December 19, 2008

NEWS BRIEFS

2 Canadians patay sa Mumbai attacks:Cannon

MONTREAL – Dalawang Canadians ang ang kabilang sa mga nasawi sa paglusob ng mga terrorista sa mga Mumbai hotels sa India noong nakaraan Biyernes (Nob. 28), ayon kay Foreign Affairs Minister Lawrence Cannon.

Kinilala ang isang napatay na si Dr. Michael Moss, 73, isang physician ng Montreal, habang ang pangalawa naman ay di pa pinangalanan sa ngayon.

Isa si Moss sa 150 kataong patay matapos umatake ng mga terrorista sa 10 magkakahiwalay na lugar sa Mumbai, India, ani ni Cannon.

Umaabot sa 20 Canadians ang nasa Triden-Oberoi luxury hotel at Taj Mahal Palace sa mga oras na lusubin ng mga terrorista.

Pinapagamot naman sa ospital ng Mumbai ang dalawang Canadians na bahagyang nasugatan sa paglusob ng mga terrorista, kabilang dito si Michael Rudder, isang movie actor ng Montreal .

Nasa maayos na kalagayan naman ang 16 Canadians na nakaligtas sa pagwawala ng mga terrorista. Nakikipag-ugnayan naman ang Canada sa India tungkol sa isa pang nasawi na hindi parin natutukoy hanggang sa ngayon. #30#

Alberta doctors at pamahalaan nagkasundo sa ‘tentative deal’

ALBERTA – Matapos ang isang taon pakikipagusap nagkasundo na ang pagitan ng mga Alberta doctors at pamahalaan sa tatlong taon kontrata.

Naipaloob sa tatlong taon kontrata ang pagtaas sa sahod ng mga pampublikong physicians at madaragdagan ng 5% mula taong 2008-09 hanggang 2009-10 at 4.5% naman pagsapit ng taong 2010-2011.

Ang pagtaas ng bayad ng mga doctor upang maging competitive ang serbisyo sa Canada, ayon sa Alberta Health department.

Bukod sa pagtaas ng bayad ay dinagdagan din ang pondo ng recruitment and retention at electronic health records. #30#

Text messaging gagamitin pagpapayat?





CHAPEL HILL – Kayang iwasan ang obesity sa tulong ng text messaging, ayon sa isang pag-aaral ng mga professor sa University of North Carolina .

Ang text messaging ay pinag-aaralan ng gamitin pagkontrol ng pagkain lalo na sa mga bata, upang mapigilan ang pagiging obese, sabi ni Jennifer R. Shapiro, assistant professor of Psychiatry ng University of North Carolina, pangunahing din researcher ng pag-aaral.

Sa pamamagitan ng self-monitoring method sa text messaging, maaring mapigilan ang dumadaming bilang ng obese na mga bata at matatanda.

Isang klase ng pampayat ang self-monitoring, kung saan, ipinapaalala ang mga kakainin at ang pagehersisyo araw-araw, dagdag pa ni Shapiro.

Sinubukan ni Shapiro ang self-monitoring method sa 31 pamilya, sentro ang mga anak nilang may edad 5-13 sa pag-aaral na isingawa sa UNC hospital.

Hinati sa tatlong grupo ang mga pamilyang kasali, ang unang grupo ay pinagamit ng cellphone, pangalawang grupo ay notebook, at ang huli ay walang binigay.

Bawat araw ay mayroon tatlong tanong na a kailangan nilang sagutin: (1) Ilan ang nagrehistrong pedometer mo ngayon?; (2) Ilan matamis na pagkain ang nakain mo ngayon?; at, (3) Ilan minuto ang screen time mo ngayon?

Makalipas ang ilang araw, inalam sa mga 58 batang kasali kung gaano kaepektibo ang self-monitoring method sa pagbabawas ng kanilang timbang.

Umabot sa 43% sa grupong may text messaging ang balak ipagpatuloy ang gawain, habang 19% lang sa grupong gumagamit ng notebook ang nagkainteres sa method.

Lumalabas na mas mabisa ang self-monitoring method sa text messaging dahil bukod nasisiyahan na ang mga tao sa pagtetext ay nakakadagdag pa ng tulong sa kanilang kalusugan, dagdag ni Shapiro.

Napili ni Shapiro na cellphone ang gamitin dahil sa pagiging uso sa mga bata sa buong mundo ang text messaging.

Ang text messaging o kilala sa tawag na short message service na pinasikat ng kumpanyang NOKIA noong 2001, walang makapagsasabi kung sino ang nakaimbento o anong kumpanya ang gumawa ng serbisyong ito, ngunit ang sigurado ay maraming napamangha ang makabagong teknolohiyang ito. #30#

Pagiging masayahin nakakahawa




Nakakahawa daw ang pagiging masaya, ayon sa isang pag-aaral ng dalawang professor sa US .

Lumalabas sa pananaliksik nina Professor Nicholas Christakis ng Harvard Medical School at Professor James Fowler ng University of California, ang pagiging masaya ay maaring makaimpluensya ng ibang tao, upang maging masaya din.

Ibinase ang pag-aaral ng dalawang professor sa Framing Heart Study, kung saan, umabot sa 5,124 ang naging mga kalahok na ang edad ay nasa pagitan ng 21-70, at pinasulat ang klase at aspeto ng kanilang buhay at kalusugan mula 1971-2003.

Sinabihan din ng mga researchers ang mga kalahok na sabihin ang mga address ng kanilang mga kamag-anak, kaibigan, katrabaho at kapitbahay upang makapagtanong sa bawa’t dalawa o apat na taon.

Base sa mga nakuhang resulta sa Framing Heart Study nina Christakis at Fowler, 42% ng mga masasayang tao ang nakaimpluensya ng kanilang mga kaibigan upang maging masaya, 34% naman ang mga nakahawa ng kapitbahay sa pagiging masaya, 14% sa mga kamaganak, at 8% naman sa kanilang mga asawa.

Nalaman rin sa pag-aaral na malaki ang epekto ng pagiging masaya sa kalusugan ng isang tao, dahil sa pagbibigay nito ng pag-asa na malampasan ang anumang problema.

Napapabuti rin nito ang kalagayan ng mga maluklungkot at marami ang nagkaroon ng positibo ang tingin sa buhay ng malaman mayroon masasayang tao nasa paligid nila.

Ang nakakagulat pa ay maaring rin makaapekto ang pagiging masaya sa ibang tao kahit hindi mo siya masyadong nakakasalamuha, lalo na kung napapaligiran ng mga masasayang tao maaring maging masaya ka rin.

Ang isang kasayahan ng isang tao ay maaring makahawa upang maging masaya ang isang komunidad, dagdag nina Christakis at Foler. – British Medical Journal #30#

Saturday, October 25, 2008

Gubat sa Canada inaalagahan panlaban sa polusyon



Sa isang malawak na gubat sa bansang Canada, binabantayan ito ng mabuti para masagip ang buong mundo sa panganib na idudulot ng greenhouse gases.

Halos aabot ito sa 55 milyong ektarya ang lawak ng mala-birhen gubat sa Ontario, at nais pangalagaan upang makatulong sa sa mga problema sa pagtaas ng antas ng greenhouse gases sa hangin.

Kasama ang pamahalaan ng Canada at sa pangunguna ni Premier Dalton McGuinty ng Ontario, balak nilang panatilihing panghabang panahon at ilayo ang Canadian boreal forest sa pag-unlad patungo sa makabagong panahon.

Nangangahulugan, sarado ang pinto ng sagradong gubat sa pagtrotroso, pagmimina, pangangaso, at sa mga mangangalakal para magtayo ng mga establisiyemento, upang mapanatili ang kagandahan nito, ani ni McGuinty.

Payag si McGuinty na pangalagaan ang Canadian boreal forest, dahil sa pananaliksik ng mga scientists at ang naging rekomendasyon ng mga Nobel Prize-winning authors ng International Panel on Climate Change.

Malawak ang Canadian boreal forest na protektado, hitik sa kagandahan at mayaman sa kalikasan, matatandang puno, sariwang mga ilog, malinis na batis, iba’t ibang klase ng insekto, humuhuning mga ibon at samot -saring mga hayop na dito lang natatagpuan.

Nadaig nito ang natitirang gubat Amazon forest sa Brazil, isa sa pinakamalaking ecosystem sa buong mundo.

Marami ang dinadayo ditto, tulad ng mga caribou herds, dark-eyed juncos, white throated sparrows, swainsons thrush songbird at ang mga waterfowl, isang uri ng bibe.

Ayon sa mga scientists, di-sapat ang 10%-15% ng ecosystem ang aalagaan, kailangan taasan ng 50% upang manatiling malinis ang hangin, malinis na tubig at mabubuhay ang mga organismong matatagpuan dito.

Kung mapanatili ang Canadian boreal forest sa panghabang panahon, kaya nitong pigilan ang lumalalang carbon dioxide sa hangin, sabi pa McGuinty.

Kontrolado ng ecosystem ang polusyon sa hangin, katulad ng greenhouse gases na sumisira sa klima ng buong mundo, nasipsip ng mga puno at halaman sa loob ng ecosystem ang maduming gas, at pinapalitan nito ng malinis na hangin.

Umaabot sa 186 billion tons ng carbon dioxide ang kayang dalhin ng isang ecosystem katulad ng Canadian boreal forest, katumbas ng 27 taon na paggamit ng mga carbon fuel sa buong mundo.
Ang mga boreal forest ay natatagpuan sa mga malalamig na bansang malapit sa Antartica.=30=