Friday, December 19, 2008

Pagiging masayahin nakakahawa




Nakakahawa daw ang pagiging masaya, ayon sa isang pag-aaral ng dalawang professor sa US .

Lumalabas sa pananaliksik nina Professor Nicholas Christakis ng Harvard Medical School at Professor James Fowler ng University of California, ang pagiging masaya ay maaring makaimpluensya ng ibang tao, upang maging masaya din.

Ibinase ang pag-aaral ng dalawang professor sa Framing Heart Study, kung saan, umabot sa 5,124 ang naging mga kalahok na ang edad ay nasa pagitan ng 21-70, at pinasulat ang klase at aspeto ng kanilang buhay at kalusugan mula 1971-2003.

Sinabihan din ng mga researchers ang mga kalahok na sabihin ang mga address ng kanilang mga kamag-anak, kaibigan, katrabaho at kapitbahay upang makapagtanong sa bawa’t dalawa o apat na taon.

Base sa mga nakuhang resulta sa Framing Heart Study nina Christakis at Fowler, 42% ng mga masasayang tao ang nakaimpluensya ng kanilang mga kaibigan upang maging masaya, 34% naman ang mga nakahawa ng kapitbahay sa pagiging masaya, 14% sa mga kamaganak, at 8% naman sa kanilang mga asawa.

Nalaman rin sa pag-aaral na malaki ang epekto ng pagiging masaya sa kalusugan ng isang tao, dahil sa pagbibigay nito ng pag-asa na malampasan ang anumang problema.

Napapabuti rin nito ang kalagayan ng mga maluklungkot at marami ang nagkaroon ng positibo ang tingin sa buhay ng malaman mayroon masasayang tao nasa paligid nila.

Ang nakakagulat pa ay maaring rin makaapekto ang pagiging masaya sa ibang tao kahit hindi mo siya masyadong nakakasalamuha, lalo na kung napapaligiran ng mga masasayang tao maaring maging masaya ka rin.

Ang isang kasayahan ng isang tao ay maaring makahawa upang maging masaya ang isang komunidad, dagdag nina Christakis at Foler. – British Medical Journal #30#

No comments: